Monday 21 March 2011

                                                        




                Ako, bilang isang batang manunulat ay nagnanais din na maipahayag ang aking damdamin at maipamahagi ang mga nilalamang samu't saring ideya ng aking balintataw sa pamamagitan ng paggamit ng pluma, papel, at pagpapagana ng aking imahinasyon. Hindi na maiaalis ang pagsusulat ng mga lathalain sa aking pagkatao at sa dugong nananalantay sa aking buong katawan. At bilang parte ng bayan ni Juan Dela Cruz, karapatan ko ding maging malaya sa anumang bagay. Malaya sa pagsasaad ng tunay kong nararamdaman sa paraan ng pagsulat at pagrespeto ng ibang tao sa aking sariling pananaw. 



       Masasabing ang kalayaan ay hindi lamang karapatan kung hindi isa ding responsibilidad. Kung nasaksihan ba nating inaabuso ng gobyerno ang mga pakinabang na nakukuha sa kalikasan at sa kaban ng bayan, hahayaan na lang ba nating kainin tayo ng ating takot laban sa mga makapangyarihan? Magsasawalang-kibo na lang ba tayo at magbubulag-bulagan sa mga katiwaliang nagaganap sa ating paligid? Magpapatalo ba tayo sa ating nararamdamang kaba?




                May karapatan tayong magsalita at kumilos batay sa ating sariling pananaw at nadarama. Responsibilidad nating itama ang mali. Dapat tayong maging matalino sa paggamit ng ating mga karapatan at maging matapang upang magampanan ang ating mga responsibilidad. Karapatan ay huwag sayangin, responsibilidad at tungkulin ay gampanan, pamamahayag ng sariling perspektibo ay huwag ikahiya.













Mga larawan mula sa:
http://t1.gstatic.com/images?q=tbn:ANd9GcTlUQyMFDLZbRxF573wiWhwAAfkAIwK809AVRoB0uJQqHiG4fy6


http://www.nomad4ever.com/wp-content/uploads/2008/04/freedom-of-speech-a-necessity-in-democratic-societies.jpg

1 comment: